Ibasura ang cha-cha, kasama si Gloria
Maliban sa mga dikit kay Gloria Arroyo na takot mawala ang kanilang tinatamasang nakaw na kapangyarihan at kayamanan, karamihan sa mga Filipino ay ayaw palitan ang Constitution ngayon dahil magagamit yan ni Arroyo upang hindi umalis sa Malaca?ang.
Kaya ang sigaw ngayon ay “Ayaw ko ng Cha-Cha, lalo na si Gloria.”
Sangayon ako diyan. Ngunit ang tanong: kung mapigilan ang cha-cha, ano ang susunod?
Siyempre ang sabi ng marami, hayaan nang tapusin ni Arroyo ang kanyang termino hanggang 2010. Mag-eleksyon tayo. ‘Yan ang gusto ng mga pulitiko na akala nila ay sila ang papalit kay Arroyo sa 2010.
Kawawa naman tayong Filipino. Talagang nawala na yata ang ating katalinuhan mag-analisa ng sitwasyon.
Akala nyo ba kapag maka-abot si Gloria sa 2010, bababa siya? Sabi siguro ni Arroyo, “Masaya kayo.”
Gagawin ni Arroyo ang lahat, kahit sirain ang Saligang Batas at ang lahat na institusyon pagdemokrasya, manatili lamang siya sa kapangyarihan dahil delikado siya at ang kanyang pamilya kapag wala na siya sa Malaca?ang.
Sa dami ba naman ng kanyang krimen na ginawa sa sambayanang Pilipino: pandaraya at pagnanakaw, kapag pinatupad ang batas, sa Muntinlupa ang bagsak niya.
Sinabi ng isang source na kinausap na raw ng mga bata ni Arroyo ang ilan sa mga “presidentiable” na i-endorso niya at gagastusan niya (siyempre pera natin ang gagamitin niya) at ipagamit ang makinarya ng pamahalaan sa kundisyon na protektahan siya kapag hindi na siya presidente.
Ang pagka-alam namin wala ni isa sa mga kina-usap ay pumayag. Takot kasi sila na makita ng taumbayan na dikit sila kay Arroyo. Sa baho pa naman ni Arroyo, pati sila baka ibasura ng taumbayan.
Kung meron man pumayag, alam din ni Arroyo na hindi siya makakasiguro sa mga ito. Kapag naka-upo na sa Malaca?ang, baka sarili nila ang kanilang asikasuhin ay makinig sa sigaw ng taumbayan na papanagutin siya sa kanyang mga nagawang kasalanan.
Kaya, habang kayang itulak ang Cha-Cha, itutulak nila yun. Sa ngayon, tatlong resolusyon sa House of Representatives ang nakatengga. Karamihan naman sa mababang kapulungan ay mababa talaga ang moralidad kaya mapapasa yan.
Mukhang mahirapan ang Cha-Cha sa Senado. Ang gagawin daw nina Arroyo, papipirmahin ang limang kaalyado nilang senador at magkakaroon ng referendum na isagaw ng lokol na pamahalaan na hawak naman ni Arroyo sa pamamagitan ni Interior Secretary Ronaldo Puno.
Karamihan ng justices sa Supreme Court ngayon ay hawak Arroyo. Kahit bastusan na yan ng batas, sasabihin niya legal katulad ng ginawa nina Hilario Davide noong 2001.
Bawat araw na nasa Malaca?ang si Arroyo ay pag-aalipusta ng batas at pagyurak ng dignidad nating Filipino.
Hindi lang Cha-Cha ang pigilan. Pati na si Arroyo. Ngayon na.
Other articles:
